Balitang A2Z

PNP, magpapakalat ng higit 72,000 pulis para sa Undas

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng higit 72,000 na pulis sa buong bansa para sa Undas. Ayon sa PNP, lalampas sa 140,000 ang kabuuang deployment, kasama ang mga tauhan…

BALITANG A2Z · · 2 min read

Photo of PNP-PIO Chief PCol. Allen Rae Co

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng higit 72,000 na pulis sa buong bansa para sa Undas.

Ayon sa PNP, lalampas sa 140,000 ang kabuuang deployment, kasama ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang katuwang sa seguridad at emergency response.

“This is purposely for the Undas alone. This will be our personnel who will be guarding our thoroughfares, cemeteries, columbaria, transportation hubs, as well as tourist spots. One of the most important but sometimes we forget is ‘yung posting na real-time na walang naiwan sa ating mga bahay. Ito ay napakalaking parang imbitasyon sa mga masasamang loob na walang tao sa aming bahay,” ayon kay PNP-PIO Chief PCol. Allen Rae Co.

Magpapatupad ang kapulisan ng full alert status mula October 30 hanggang November 2, kasabay ng pagtatayo ng public assistance desks sa mga sementeryo, katuwang ang emergency responders at medical teams.

ADVERTISEMENT

Nakikipag-ugnayan din sa mga lokal na pamahalaan para sa daloy ng trapiko at isyu ng mga motorista.

Paalala naman ng PNP, huwag magdala ng baril, patalim, ilegal na droga at alak sa sementeryo. Bawal din ang sugal at iwasan ang malakas na patugtog bilang paggalang sa iba pang mga dumadalaw.

What do you feel about this article?