Balitang A2Z

Pating na si “Bukangi” na nag-viral sa South Korea, matagumpay na naibalik ng mga rescuer sa canal ng Busan

Bumalik sa canal ng Busan, South Korea, ang sikat na pating na si “Bukangi” matapos siyang mailigtas ng mga rescuer nitong Miyerkules. Ayon sa Ministry of Oceans and Fisheries, nakalusot…

Billy Torres · · 1 min read

Photo of “Bukangi,” the famous shark in Busan, South Korea, returning to the canal after being rescued

Bumalik sa canal ng Busan, South Korea, ang sikat na pating na si “Bukangi” matapos siyang mailigtas ng mga rescuer nitong Miyerkules.

Ayon sa Ministry of Oceans and Fisheries, nakalusot ang pating sa ilalim ng harang na fishnet matapos mapunta sa pagitan ng dalawang lambat malapit sa bukana ng daluyan patungong karagatan.

Binuksan ng mga tauhan ang panlabas na fishnet para makalabas si Bukangi.

Ito ang ikatlong pagtatangka na mailabas ang pating matapos pumalya ang dalawang naunang rescue attempt.

Patuloy na binabantayan ang viral na pating hanggang sa maging stable ang kanyang kondisyon, ayon sa mga eksperto.

ADVERTISEMENT

Sa tala, unang namataan noong September 18 ang halos tatlong metrong babaeng dusky shark.

Mula noon, dinagsa na ng mga bisita at turista ang waterfront park.

Ayon sa Busan Infrastructure Corporation, higit isang milyong turista ang bumisita hanggang October 20 para masilayan si Bukangi.

What do you feel about this article?