Galit ang naramdaman ng isang pamilya matapos umanong hindi maisagawa sa itinakdang oras ang basbas para sa kanilang yumaong ama sa San Jose Manggagawa Parish Church sa General Mariano Alvarez, Cavite nitong Miyerkules, October 21.
Sa Facebook, isinalaysay ni Charlyn Escanilla Pacia na inilabas na lang nila sa simbahan ang labi ng ama nang walang misa o basbas dahil walang dumarating na pari.
Ayon kay Pacia, October 16 pa niya sinimulang asikasuhin ang schedule at kinumpirma umano sa kanya ng opisina ng parokya na pumayag ang isang pari mula Carmona na mamuno sa misa.
Dumating ang pamilya nang 2:54, pero wala umanong umalalay sa kanila.
Nagpasya ang pamilya na umalis dahil mag-3:30 na, na oras ng schedule sa sementeryo.
ADVERTISEMENT
Magkakaiba naman umano ang sinasabi ng mga tauhan.
Wala pa namang tugon ang simbahan ukol sa naturang isyu.
Habang nanawagan naman si Pacia sa pamunuan ng parokya at sa Diocese of Imus na aksyunan ang reklamo para hindi na maulit sa ibang pamilya ang aberya.

