Humingi ang Department of Justice (DOJ) ng panahon hanggang katapusan ng Nobyembre para malinaw kung handa na itong maghain ng petisyon para sa extradition ni Pastor Apollo Quiboloy sa Amerika.
Sinusuri ng ahensiya ang mga impormasyon at dokumentong isinumite ng U.S. kaugnay ng mga kasong kinakaharap doon ni religious leader Apollo Quiboloy.
Ayon kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, may karagdagang impormasyong kailangang beripikahin kaya nabago ang naunang schedule ng DOJ.
“Bigyan niyo kami hanggang end of November to give you another clearer categorical update that we are ready to file the petition for extradition,” ani Chan.
Kailangan aniyang matiyak ang batayan ng mga alegasyon at makumpleto ang mga dokumentong susuporta sa petisyon.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, pagtitiyak ni Chan, hindi haharap sa parusang capital punishment o kamatayan si Quiboloy sakaling matuloy ang extradition.
Dadaan pa sa korte ang petisyon para mapagpasyahan kung pagbibigyan ang extradition.

