Balitang A2Z

BINI, inilabas na ang unang “Kilig” music video performance mula sa Vevo Studios

Inilabas na nitong Miyerkules ng nation’s girl group BINI ang full performance ng kanilang kantang “Unang Kilig” na live mula sa Vevo Studios sa Los Angeles. Ito na ang ikalawang…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of Filipino 8-member girl group BINI

Inilabas na nitong Miyerkules ng nation’s girl group BINI ang full performance ng kanilang kantang “Unang Kilig” na live mula sa Vevo Studios sa Los Angeles.

Ito na ang ikalawang labas ng Vevo Studios performance ng 8-member group, kasunod ng “Blush” noong October 8.

Kapwa kabilang ang dalawang kanta sa kanilang third extended play na “Signals” na inilabas noong Abril.

Mapapanood na sa kanilang official YouTube channel ang kantang “Unang Kilig.”

ADVERTISEMENT

Samantala, tuloy ang BINI sa kanilang “Signals” world tour sa Singapore sa October 25 at sa Taiwan sa November 15.

Kamakailan lang, nasungkit din ng grupo ang Artist of the Year at Tour of the Year sa Filipino Music Awards 2026.

What do you feel about this article?