Balitang A2Z

AFP, iginiit na hindi kailangan ang pahintulot ng China para sa resupply mission sa Ayungin Shoal

Mariing iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kailangan ng Pilipinas ang pahintulot ng China para maghatid ng suplay sa Ayungin Shoal. Ito’y matapos angkinin na naman…

BALITANG A2Z · · 2 min read

Photo of PH Navy Spokesperson for West PH Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad

Mariing iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kailangan ng Pilipinas ang pahintulot ng China para maghatid ng suplay sa Ayungin Shoal.

Ito’y matapos angkinin na naman ng China Coast Guard na pinahintulutan nito ang pinakabagong resupply mission.

Ayon sa AFP, matagumpay at walang naiulat na insidente sa misyon ngayong linggo.

Bahagi ito ng regular na pagpapalit ng mga tauhan at paghahatid ng suplay sa mga sundalong nakahimpil sa BRP Sierra Madre.

Pero ayon kay China Coast Guard Spokesperson Jiang Lue, nagpahintulot umano ang Beijing sa paghahatid ng suplay nitong Miyerkules.

ADVERTISEMENT

Pero buwelta ng AFP, nag-iimbento muli ang China ng mga naratibo para isulong ang pag-aangkin nito sa karagatan.

“If you look at Scarborough, they claim Scarborough. They claim Batanes. There have been a lot of false narratives they keep inventing just to further their agenda, not only at sea but even on land. Huwag tayong mabigla. Baka pati Pluto angkinin na rin nila. These type of narratives, consider them as inventions and they are jokes, laugh at them,” ayon kay PH Navy Spokesperson for West PH Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad.

Nasa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.

What do you feel about this article?