Balitang A2Z

2 tauhan ng PCG, patay sa ambush sa Cotabato City

Patay ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ambush sa Cotabato City tanghali nitong Huwebes, October 22. Sa live video ng Kutang Bato News, makikita ang pagresponde ng…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of the red SUV shot by two masked motorcycle-riding assailants

Patay ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ambush sa Cotabato City tanghali nitong Huwebes, October 22.

Sa live video ng Kutang Bato News, makikita ang pagresponde ng mga otoridad sa pulang SUV na pinaulanan ng bala ng mga salarin.

Ayon sa paunang ulat, binabaybay ng mga biktima ang Roman Vilo Street papunta sa PCG Cotabato City Station nang pagbabarilin ng dalawang nakamaskarang riding in tandem.

Kasama ng mga biktima sa sasakyan ang kanilang Maguindanao Station Commander, na hindi nasugatan sa insidente.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma naman ng PCG ang pagkasawi ng dalawang tauhan at nakikipag-ugnayan na sa kanilang pamilya.

Patuloy na tinutugis ang mga salarin habang iniimbestigahan ang posibleng motibo sa pananambang, kabilang ang posibleng kaugnayan nito sa kanilang trabaho bilang Coast Guard.

What do you feel about this article?