Balitang A2Z

1 Pinoy, 1 Nepali patay sa drone attack sa Saudi Arabia

Patay ang isang Pilipino at isang Nepali, habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos ang drone attack sa Shaybah oil field sa Saudi Arabia. Ayon sa Saudi Ministry of Energy,…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of the Shaybah oil field in Saudi Arabia

Patay ang isang Pilipino at isang Nepali, habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos ang drone attack sa Shaybah oil field sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi Ministry of Energy, na-intercept ng Saudi air defence ang drone attack Miyerkules ng umaga, pero nagbunsod ito ng sunog sa sasakyan ng isang contractor sa site.

Hindi naman tinukoy ng mga opisyal ang responsable sa pag-atake, habang hindi rin umano naapektuhan ang operasyon ng oil field.

Kasunod ang naturang drone attack ng ilan pang pag-atake ng Houthis sa Saudi sa mga nakalipas na linggo.

What do you feel about this article?