Balitang A2Z

Robi Domingo, kinumpirma ang pagkakaayos nila ni John Lloyd Cruz

Nagkaayos na sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz, ayon mismo sa Kapamilya TV host. Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Robi na tapos na ang usapin kaugnay…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of Kapamilya TV host Robi Domingo (left) and John Lloyd Cruz (right)

Nagkaayos na sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz, ayon mismo sa Kapamilya TV host.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Robi na tapos na ang usapin kaugnay ng naiulat na komprontasyon nila noong nakaraang taon.

Nagpasalamat din si Robi kay John Lloyd sa paglapit sa mga manager sa Star Magic at kanilang mga kaibigan para maayos ang gusot at isyu.

Matatandaang nagkaroon ng umano’y komprontasyon ang dalawa sa wedding reception nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong Disyembre, kung saan nagsilbing host si Robi.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ni Ogie Diaz batay sa kanyang source, hindi umano nagustuhan ni John Lloyd ang tanong ni Robi kay Zanjoe kung ano ang pakiramdam na maging Mr. Atayde.

What do you feel about this article?