Balitang A2Z

ICC, sisimulan na ang paglilitis kay dating Pang. Duterte sa November 30

Inilatag na ng International Criminal Court (ICC) ang schedule ng pagbubukas ng paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa tatlong sakdal ng crimes against humanity sa November 30 sa…

Billy Torres · · 1 min read

Photo of former President Rodrigo Duterte

Inilatag na ng International Criminal Court (ICC) ang schedule ng pagbubukas ng paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa tatlong sakdal ng crimes against humanity sa November 30 sa The Hague, Netherlands.

Sa pagbubukas, titiyakin muna ng mga hukom kung nauunawaan ni Duterte ang mga sakdal laban sa kanya.

Tatanungin din siya kung maghahain ng plea na guilty o not guilty.

Kasunod nito ang opening statements ng prosekusyon at mga abogadong kumakatawan sa mga biktima.

Naglaan ang korte ng anim na oras para sa prosekusyon at tatlong oras para sa mga kinatawan ng mga biktima.

Maaari ring magbigay ng pambungad na pahayag ang depensa kung hihilingin nito.

ADVERTISEMENT

Magsisimula ang unang sesyon 10:00 AM sa The Hague, katumbas ng 5:00 PM sa Pilipinas.

Pagkatapos ng mga opening statement, isasalang ng prosekusyon ang unang saksi nito.

Mapapanood ang mga pagdinig sa opisyal na website, Facebook at YouTube channel ng ICC na may 30-minute delay.

What do you feel about this article?