Balitang A2Z

DPWH, muling itinatayo ang dike sa Calumpit, Bulacan sa mas mababang gastos

Bumaba sa P300,000 bawat linear meter ang gastos sa muling pagtatayo ng dike sa Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of DPWH Secretary Vince Dizon during his reinspection of the dike reconstruction project in Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan

Bumaba sa P300,000 bawat linear meter ang gastos sa muling pagtatayo ng dike sa Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.

Mas mababa ito nang P250,000 sa orihinal na halagang P550,000 bawat linear meter noong 2023.

Muling ininspeksyon ni Dizon ang proyekto nitong Miyerkules, habang patuloy na lubog sa baha ang ilang barangay sa Calumpit.

Ayon sa kalihim, nasa 75 percent na ang natatapos sa proyekto.

Sa binagong disenyo, tinaas ng DPWH ang pader at naglagay ng geotextile material.

“Nakita niyo naman ngayon talagang naka-design nang tama tsaka naka-implement nang tama. Doon mo talaga makikita yung pambababoy na ginawa nila. Overpriced na nga, kulang pa yung bakal, walang geotextile, mababa pa,” ayon kay Dizon.

ADVERTISEMENT

Layon nitong patibayin ang estruktura at mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa mga komunidad.

Kabilang ang orihinal na dike sa mga proyektong natuklasang substandard nang pumutok ang flood control scandal noong nakaraang taon.

Target ng ahensiya na tapusin ang proyekto sa March 2027.

What do you feel about this article?