Walang rekord ang Bureau of Immigration (BI) na umalis na nga ng Pilipinas ang kontrobersiyal na negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida.
Dahil dito, hindi makumpirma ng ahensiya ang ulat kung nakalabas na talaga ng bansa ang negosyante.
“So I cannot confirm that he is already out of the country kasi we rely on immigration records, and based on immigration records wala kaming record that he left. Very porous kasi talaga iyong borders natin and as the statement of your Secretary of Justice, per records of the department he is still in the country,” ayon kay Vida.
Una nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na dumaan sa backdoor o di-opisyal na ruta si Ang at huling namataan sa Cambodia.
Aminado naman si Vida na hindi niya alam ang pinagmulan ng impormasyon ni Remulla.
ADVERTISEMENT
Kinilala rin niya ang posibilidad na makalusot ang mga pugante sa mga hangganan ng bansa nang hindi dumadaan sa immigration.
Habang tiniyak naman ni Vida na itutuloy ng mga prosecutor ang pagharap ng ebidensiya sa mga kaso kaugnay ng nawawalang sabungeros.

