Balitang A2Z

Claudine Barretto, naghain ng reklamong cyberlibel vs. Cristy Fermin at Rommel Chika

Naghain ng reklamong cyberlibel ang aktres na si Claudine Barretto laban kina Cristy Fermin at Rommel Chika nitong Miyerkules, October 21. Kasama ang kanyang abogado, dumulog ang aktres sa National…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Cristy Fermin (left), NBI Director Atty. Melvin Matibag (center), and actress Claudine Barretto (right)

Naghain ng reklamong cyberlibel ang aktres na si Claudine Barretto laban kina Cristy Fermin at Rommel Chika nitong Miyerkules, October 21.

Kasama ang kanyang abogado, dumulog ang aktres sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters sa Pasay City dahil sa mga pahayag na umano’y sumira sa kanyang reputasyon at ani niya’y nakasakit sa kanyang pamilya at mga tagasuporta.

Ayon sa abogadong si Lance Mateo, nakatuon ang reklamo sa mga video sa YouTube channel ni Fermin.

Kinukuwestiyon ng kampo ni Barretto ang mga komento tungkol sa kanyang mental health at personal na buhay.

Iginiit ng aktres na itutuloy niya ang reklamo kahit humingi pa ng tawad ang dalawa.

ADVERTISEMENT

Bago ang paghahain, hinamon naman ni Fermin si Barretto na tiyaking may merito ang reklamo.

Wala pa namang bagong pahayag sina Fermin at Chika.

Samantala, nakatakda namang ipa-subpoena ng NBI sina Cristy Fermin at Rommel Chika kaugnay ng reklamong cyberlibel na inihain ni Claudine Barretto nitong Miyerkules.

What do you feel about this article?