Balitang A2Z

Sec. Remulla, nilinaw na walang ebidensiyang nag-uugnay sa pamilya Duterte hinggil sa Laos drug shipment

Nilinaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla na walang nakikitang ebidensiya na nag-uugnay sa pamilya Duterte hinggil sa shipment ng shabu na hinarang sa Laos at patungo umano sa Pilipinas. Kinumpirma…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Interior Secretary Jonvic Remulla (left), former president Rodrigo Duterte with Sultan Edrieza Nasser Rimbang (right)

Nilinaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla na walang nakikitang ebidensiya na nag-uugnay sa pamilya Duterte hinggil sa shipment ng shabu na hinarang sa Laos at patungo umano sa Pilipinas.

Kinumpirma ni Remulla na matagal nang magkaalyado sa politika sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sultan Edrieza Nasser Rimbang, na siya umanong financier ng shipment.

Dating miyembro ng Bangsamoro Parliament si Rimbang.

Gayunpaman, kinukuwestiyon naman ni Remulla kung bakit wala umano si Rimbang sa drug watchlist noong administrasyong Duterte, sa kabila ng paratang na matagal na itong sangkot sa droga.

ADVERTISEMENT

“They are more than friends. They have been political allies for the longest time. Ang pinagtataka ko lang kung bakit noong drug war, hindi kasama si Rimbang sa watchlist kung known drug element na siya dati pa,” ayon kay Remulla.

What do you feel about this article?