Dumidiskarte na ang ilang mga pasahero para makatipid sa pag-uwi sa probinsya ngayong Undas, kung saan dagsa ang mga uuwi.
Ang ilan kasi ngayon, pinipili na ang pagsakay sa ordinary bus para makatipid man lang ngayong uwian, kahit na mainit ang nararanasang panahon.
Ayon kasi sa samahan ng mga provincial bus operator, tumaas na ng 15 percent ang pamasahe para makabawi naman sa gastos at operasyon at makapagpatuloy ng biyahe.

