Nagdagdag ng ginto para sa Pilipinas si Ariel Joseph Alegarbes sa 5th Asian Paralympic Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Pinagharihan ng swimmer mula Victorias City, Negros Occidental ang men’s 100-meter backstroke S-14 final nitong Martes, kung saan tinapos niya ang race sa halos dalawang minuto lang.
Silver naman ang pambato ng South Korea, habang bronze naman ang Thailand.
Sinundan niya ang naunang gold ni Ernie Gawilan sa men’s 400-meter freestyle S-7 noong Lunes.
ADVERTISEMENT
Samantala, may bronze na rin ang bansa dahil kay Raemond Adefuin para sa men’s 100-meter breaststroke SB-6.
Umaasa naman si Philippine Paralympic Committee President Mike Barredo na magpapalakas ng loob ng iba pang atletang Pilipino ang mga panalong ito.

