Pumasok na sa Philippine Stock Exchange (PSE) ang Mynt Incorporated, ang parent company ng GCash, sa pinakamalaking initial public offering o IPO sa kasaysayan ng PSE.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtunog ng ceremonial bell sa listing ceremony ng kumpanya nitong Martes, October 20.
Sa kanyang talumpati, itinampok ng Pangulo ang papel ng digital technology sa pagpapalawak ng pagkakataong mamuhunan ang mga Pilipino.
Sa IPO offer period mula October 6 hanggang 12, nag-alok ang Mynt ng shares sa halagang P6.60 bawat isa.
Sa pamamagitan ng GStocks PH sa GCash app, maaaring umorder noon ang mga kuwalipikadong user ng minimum na 100 shares sa halagang 660 pesos.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Marcos, lumawak na ang gamit ng e-wallets mula sa pagpapadala ng pera at pagbabayad ng bills hanggang sa pag-iipon, pangungutang at pamumuhunan, maging sa paglago ng maliliit na negosyo.
Pero para kay Marcos, nagbibigay ng pag-asa ang interes ng lokal at dayuhang investor sa Mynt.
Nangako rin siyang itutuloy ang mga reporma para palakasin ang tiwala ng mga investor at padaliin ang pagnenegosyo sa bansa.

