Tinawag naman ni Vice President Sara Duterte na isang desperadong hakbang ang anyay gawa-gawang travel authority upang iugnay siya sa isyu ng ilegal na drogang nasabat sa Laos.
Sa pahayag, ipinunto ng bise na dahil hindi umano nakapagtatag ang prosekusyon ng matibay na impeachment case sa kanya, nagbabago na ngayon ng naratibo ang pamahalaan.
Anya, pinagmumukha ng pamahalaan na isang national security issue ang pag-uugnay sa kanya sa isang negosyo na umano’y tumanggap ng pondo mula sa China.
Tinawag niya rin conspiracy ang pag-uugnay ng drug bust sa Lao sa Davao at Mindanao.
ADVERTISEMENT
Matatandaang isinangkot ng Philippine National Police (PNP) bilang nagpondo umano ng drug operations sa Laos ang dating Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) officials na kapartido ng mga Duterte.
Habang lumabas sa impeachment trial ang umano’y pagtanggap ng pera mula China ng mga negosyong iniuugnay sa mga Duterte.

