Balitang A2Z

Kumakalat na umano’y travel authority ni VPSD papuntang Laos, pinabulaanan ng Malacañang

Pinabulaanan ng mismong Malacañang ang alegasyong kumalat online ukol sa umano’y travel authority para sa pagbisita diumano ni VP Sara Duterte sa bansang Laos noong katapusan ng Setyembre. Kumalat sa…

Barbie Muhlach · · 1 min read

Photo of Vice President Sara Duterte (left), Palace Press Officer Claire Castro (center), and Executive Secretary Ralph Recto (right)

Pinabulaanan ng mismong Malacañang ang alegasyong kumalat online ukol sa umano’y travel authority para sa pagbisita diumano ni VP Sara Duterte sa bansang Laos noong katapusan ng Setyembre.

Kumalat sa social media ang isang dokumento na umano’y inaprubahan ng Office of the President sa lagda ni Executive Secretary Ralph Recto ang hiling na biyahe ng bise.

Kasama sa nagbahagi nito ang dating kolumnistang si Ramon Tulfo, na iniugnay naman ang umano’y biyahe ni Duterte sa nasabat na mahigit 500 kilo ng shabu sa Laos noong October 1.

Nilinaw naman ng Office of the Executive Secretary na walang ganoong travel request na hiniling o inaprubahan ang pamahalaan.

What do you feel about this article?