Sumirit sa extreme danger level na 55 degrees Celsius ang heat index sa General Santos City nitong Martes ng umaga, October 20.
Maalinsangan na panahon rin ang naranasan sa Metro Manila, kaya ang mga manggagawa sa kalye, kani-kaniya nang diskarte para iwas-init at sakit.
Dahil dito, nakatakdang buhayin muli ng PAGASA ang heat index forecast, habang maglalabas rin ng El Niño advisories ang Department of Labor and Employment (DOLE).

