Balitang A2Z

Gerald Anderson, nagbakasyon sa Coron, Palawan kasama ang ina

Sinusulit ni Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang bakasyon sa Coron, Palawan kasama ang kanyang inang si Vangie. Sa ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram noong Sabado, kitang-kita ang…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of Kapamilya actor Gerald Anderson enjoying a getaway in Coron, Palawan, with his mother, Vangie

Sinusulit ni Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang bakasyon sa Coron, Palawan kasama ang kanyang inang si Vangie.

Sa ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram noong Sabado, kitang-kita ang saya at relaxation ng kanilang pamamasyal at bonding.

Kabilang sa mga pinuntahan nila ang Malcapuya Island, kung saan nag-picture ang mag-ina sa duyan sa tabing-dagat.

Bukod sa maputing buhangin at malinaw na tubig, ibinahagi rin ni Gerald ang masarap na pagkain at mainit na pagtanggap sa kanila.

ADVERTISEMENT

Pinuri din ng aktor ang Coron na simple pero ubod ng ganda.

What do you feel about this article?