Nagpatupad ng curfew ang mga otoridad sa ilang bahagi ng Paris at iba pang lungsod sa France matapos ang sunod-sunod na kaguluhan, sunog at panloloob sa mga establisyimento nitong weekend.
Sa Paris, ipinataw ang curfew sa Place de la République at Les Halles shopping area mula 11:00 PM noong Lunes hanggang 6:00 AM ng Martes, local time.
Ipinagbawal din ang mga pagtitipon sa ilang bahagi ng sentro ng lungsod.
Ayon sa mga opisyal, mahigit 2,000 indibidwal ang inaresto at nasa 1,000 pulis ang nasugatan.
Nagsimula ang mga protesta noong Setyembre sa panawagan ng mga estudyante para sa mas maayos na kondisyon sa mga paaralan.
ADVERTISEMENT
Lumawak ito sa pagtutol sa mahal na gasolina, tumataas na gastusin at humihinang social services.
Tinatayang kalahating milyon ang sumali sa mga demonstrasyon noong weekend.

