Balitang A2Z

Facade ng bagong “PBB” House, ipinasilip na

Ipinasilip na ng “Pinoy Big Brother” ang bagong facade ng Bahay ni Kuya bago ang pagbubukas ng “PBB Collab 3.0.” Tampok sa bagong disenyo ang yellow, blue and red, kasama…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of the new "Pinoy Big Brother" house facade

Ipinasilip na ng “Pinoy Big Brother” ang bagong facade ng Bahay ni Kuya bago ang pagbubukas ng “PBB Collab 3.0.”

Tampok sa bagong disenyo ang yellow, blue and red, kasama ang pamilyar na logo ng programa.

Dumalo sa unveiling ang mga executive ng ABS-CBN at GMA na sina Miss Cory Vidanes at Miss Annette Gozon-Valdes.

Nakiisa rin ang mga host na sina Robi Domingo at Alexa Ilacad, kasama si business unit head Marcus Vinuya.

Pinangunahan naman ni Father Tito Caluag ang pagbabasbas sa bagong bahay.

ADVERTISEMENT

Sa bagong edisyon, bibigyan ng programa ng pagkakataon ang mga ordinaryong Pilipino na maging housemates.

Ipakikilala na ang bagong batch sa premiere ng “PBB Collab 3.0” sa Sabado, October 24.

What do you feel about this article?