Balitang A2Z

DILG Sec. Remulla, hinimok ang ASEAN na palakasin ang laban kontra transnational crime

Hinikayat ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pabilisin ang palitan ng impormasyon at palakasin ang koordinasyon kontra mga sindikatong kumikilos…

Billy Torres · · 1 min read

Photo of the 20th ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime (AMMTC) held in Makati City

Hinikayat ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pabilisin ang palitan ng impormasyon at palakasin ang koordinasyon kontra mga sindikatong kumikilos sa iba-ibang bansa.

Kasabay ng pagbubukas ng ika-20 ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime (AMMTC) sa Makati nitong Martes, October 20, nagbabala si Remulla na sinasamantala ng mga kriminal ang teknolohiya at mas malawak na ugnayan ng mga bansa para palawakin ang kanilang operasyon.

Tututukan ng mga delegado ang human trafficking, cybercrime, illegal drug trafficking, money laundering, at pagpupuslit ng mga armas.

Giit pa ng kalihim, kailangan ng konkretong hakbang para mapalakas ang mga otoridad at mapabilis ang pagtugon sa mga bantang tumatawid sa mga hangganan.

ADVERTISEMENT

Magpapatuloy hanggang October 21 ang mga pagpupulong, na ipapasa ng Pilipinas sa Singapore ang pamumuno sa AMMTC.

What do you feel about this article?