PoliticsLatest News

Tulfo, Padilla, Cayetano, at Sotto, nanguna sa 2028 senatorial survey — OCTA

Ayon sa Tugon ng Masa survey, naitala ni Senator Raffy Tulfo ang pinakamataas na voting preference sa 47%, na sinundan ni Senator Robin Padilla sa 45%, Senator Alan Cayetano sa…

Newslight · · 1 min read

Nanguna sa pagka-senador sa 2028 senatorial elections sina Senator Raffy Tulfo, Robin Padilla, Alan Cayetano, at Pasig City Mayor Vico Sotto, base sa pinakahuling tala ng OCTA Research.

Ayon sa Tugon ng Masa survey, naitala ni Senator Raffy Tulfo ang pinakamataas na voting preference sa 47%, na sinundan ni Senator Robin Padilla sa 45%, Senator Alan Cayetano sa 44%, at Mayor Vico Sotto sa 42%.

Kabilang din sa may mataas na voting preference si former Senator Grace Poe at Davao City Mayor Baste Duterte na may 36%, at sinundan ni Senator Loren Legarda sa 31%.

Paalala ng OCTA, maaaring magbago pa ang preferences batay sa alyansang politikal, mga kandidatura, mga kondisyon sa kampanya, mga isyung pampubliko, at ang impormasyong natatanggap ng mga botante.

ADVERTISEMENT

Isinagawa ang survey sa 1,200 Filipino adult respondents noong September 28 hanggang October 4, 2026, gamit ang probability-based sampling. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?