Balitang A2Z

Trailer ng “Remember” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, inilabas na ng Star Cinema

Inaabangan na ng marami ang muling pagtatambal sa big screen nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang bagong pelikulang ‘Remember.’ Inilabas na ng Star Cinema ang official trailer,…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photos from the trailer of “Remember,” starring Dingdong Dantes and Marian Rivera, released by Star Cinema

Inaabangan na ng marami ang muling pagtatambal sa big screen nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang bagong pelikulang ‘Remember.’

Inilabas na ng Star Cinema ang official trailer, kung saan setting ng kuwento ang Quebec, Canada.

Magpapanggap na nagkabalikan ang dalawa para sa anak na unti-unting nawawalan ng alaala.

Ayon kay Marian, halos isang buwan silang nag-shooting sa Canada, pero nakapaglaan din sila ng oras bilang mag-asawa sa pagitan ng trabaho.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz Alviar, mapapanood sa mga sinehan ang pelikulang ‘Remember’ simula November 11.

What do you feel about this article?