Patay ang isang pari matapos mabagsakan ng kahoy na crucifix habang nagmimisa sa Guayaquil, Ecuador.
Nasawi si Father Patricio Sanchez nitong Sabado sa Our Lady of Perpetual Help Church.
Nakunan sa livestream ng misa ang pagbagsak ng crucifix mula sa pader, kung saan sapul na tinamaan sa ulo ang pari.
Agad namang humingi ng saklolo ang mga nagsisimba at mga staff ng parokya.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang Archdiocese of Guayaquil sa pamilya, mga kaibigan at kapwa religious order ng pari.
ADVERTISEMENT
Hindi pa naman malinaw kung bakit nahulog ang krus.
Umani ng samu’t saring reaksyon at panalangin online ang nangyari sa pari, at hinikayat ang lahat ng simbahan na panatilihin ang matibay na istruktura para sa kaligtasan ng lahat.

