Hinikayat ng ilang senador ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ideklarang ‘persona non grata’ o undesirable individual si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan, batay sa resolusyong inihain ni Senador Erwin Tulfo dahil sa pahayag ng Chinese envoy na banta sa soberanya ng Pilipinas.
Nirerespeto naman ito ng Malacañang, pero iginiit na hindi magdedeklara ng ganito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil mananatiling diplomatiko ang pagresolba niya sa isyu.

