Agaw-pansin ang kinang at ganda ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa front row ng Victoria’s Secret Fashion Show 2026 sa Los Angeles, California, U.S.A.
Dumalo si Catriona bilang special guest, suot ang custom gown ni Filipino designer Job Dacon.
Stunning si Catriona sa black-and-beige rose gown na may corseted bodice at ultra-high slit skirt, na nagbigay sa kaniya ng sexy, romantic, at effortlessly glamorous na aura.
ADVERTISEMENT
Sa Instagram, ipinasilip din ng beauty queen ang kaniyang L.A. trip, mula sa mga inihandang outfit hanggang sa pamamasyal sa siyudad.
Sa isa niyang casual look, ipinares ni Catriona ang Victoria’s Secret slip dress sa denim.
Umani naman ng papuri ang post ng beauty queen, patunay na kayang makipagsabayan ng Pinay beauty queen at ng talento ng mga Pilipinong designer sa international fashion scene.
ADVERTISEMENT
Samantala, naging ikalawang Pinay si Christina Nadine na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show, walong taon matapos ang debut ni Kelsey Merritt noong 2018.
Sumalang ang Filipino-British model sa Pink segment ng 2026 show sa L.A., suot niya ang pink bra na may kumikinang na disenyong puso, silver jacket at itim na bell-bottom leggings.
Bago ang show, ibinalita na ni Nadine sa social media ang kaniyang runway debut, kasama ang surprise message sa kaniyang ina.
ADVERTISEMENT
Nagpaabot naman ng suporta si Merritt.

