News LightLatest News

Mas maluwag na batas sa uniporme, hindi solusyon sa maiinit na classroom ngayong may El Niño — teacher group

Hinimok ng isang grupo ng mga guro ang Department of Education (DepEd) na iksian ang oras ng klase kung kinakailangan, magsagawa ng hybrid learning arrangements at mag-invest sa pagpapalamig ng…

Newslight · · 1 min read

Hinimok ng isang grupo ng mga guro ang Department of Education (DepEd) na iksian ang oras ng klase kung kinakailangan, magsagawa ng hybrid learning arrangements at mag-invest sa pagpapalamig ng mga klasrum ngayong kasagsagan ng lumalalang El Niño.

Sa pahayag ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) kahapon, sinabi nitong ang isyu ay hindi dapat ibaba lang sa kung anong dapat isuot ng mga guro’t mag-aaral—gayong hindi proteksyon ang mas mababaw na patakaran sa uniporme laban sa matinding init.

Higit pa sa uniforms, nais ng TDC ang mas maiksing oras ng pagtuturo at ang pinagsamang face-to-face classes sa iba pang learning modes.

Gayunman, babala nitong hindi ito dapat na magresulta sa pangkalahatang paglipat sa modular o online learning na hindi patas sa mga estudyanteng walang access sa internet, gamit, at matinong espasyo sa tahanan upang matuto.

ADVERTISEMENT

Sa pangmatagalang solusyon, panawagan ng grupo sa gobyerno ang malinis at renewable energy para sa mas maayos na supply sa kuryente, kasama na ang bentilasyon, cooling systems, at aircon kung kakayanin. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?