Star-studded at umani ng mainit na pagtanggap sa maraming fans ang naunang dalawang araw na sold-out ‘Finale’ concert ng nag-iisang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Mall of Asia Arena nitong weekend.
Kasabay ito ng pagdiriwang ni Regine sa kanyang 3-night sold-out concert ng kanyang 40 years in the music industry.
Kinabiliban ang kanyang pag-awit ng “Narito Ako,” “I Don’t Want to Miss a Thing” at “What Kind of Fool Am I?”
Habang muling nagsama ang “Do Re Mi” trio nang samahan si Regine nina Mikee Cojuangco at Donna Cruz sa pag-awit ng “I Can.”
Naka-duet rin ni Regine ang asawang si Ogie Alcasid sa kantang “Hanggang Ngayon.”
ADVERTISEMENT
Sa last part, umikot si Regine sa arena sakay ng float na hugis gintong ibon para sa “Regine-oke” segment, kung saan inawit niya ang medley ng “Crazy for You,” “Dancing Queen” at “If Ever You’re in My Arms Again.”
At nitong Lunes, talagang puno pa rin ang arena para sa solid fans ni Regine na sinamahan ang kanyang music journey mula noon hanggang ngayon.

