Handang magbitiw si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kung mapatunayang mali ang kanilang imbestigasyon sa drug shipment na nasabat sa Laos.
Hinamon ni Remulla ang mga kritiko na pabulaanan ang mga detalye ng kaso.
Nauna nang pinangalanan ni Remulla si dating Bangsamoro Parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang at sampung iba pa bilang persons of interest sa shipment ng 521 kilo ng hinihinalang shabu.
Nasabat ito sa Laos noong October 1 habang papunta sana sa Pilipinas.
Itinuro ni Remulla si Rimbang bilang umano’y financier ng operasyon.
ADVERTISEMENT
Habang kinuwestiyon din ng kalihim kung bakit hindi napabilang si Rimbang sa drug watch list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, pinabulaanan ni Remulla ang mga alegasyong nag-uugnay sa anak ng Pangulo na si House Majority Leader Sandro Marcos sa shipment.

