Balitang A2Z

Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, asahan ngayong Martes

Muling magkakaroon ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo ngayong Martes, October 20. Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, may dagdag na P2.60 sa kada litro ng diesel. Samantala, P1.00 naman…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of gas pumps at a gas station

Muling magkakaroon ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo ngayong Martes, October 20.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, may dagdag na P2.60 sa kada litro ng diesel.

Samantala, P1.00 naman ang mababawas sa kada litro ng kerosene, habang P4.30 naman ang tapyas sa kada litro ng gasolina.

Paliwanag ng Energy Department, itinulak ng mas mahal na transportasyon at insurance ng kargamento ang pagtaas ng diesel.

ADVERTISEMENT

Gayunpaman, tiniyak ng kagawaran na sapat ang suplay ng petrolyo sa bansa.

Sa suplay naman, tiniyak ng ahensiya na sapat ang imbentaryo ng bansa at hindi pa kailangang mag-angkat ng dagdag na diesel at LPG ang pamahalaan.

What do you feel about this article?