Dalawang tsansa sa medalya ang nasungkit ni Carlos Yulo sa 2026 World Artistic Gymnastics Championships sa Rotterdam, The Netherlands.
Nagpakitang-gilas ang Filipino gymnastics star matapos pumangalawa sa floor exercise qualifiers sa score na 14.500 points.
Sa vault naman, nagtala si Caloy ng average na 14.266 points para tapusin ang qualifiers sa ikaanim na puwesto.
Sasalang si Yulo sa floor exercise final sa Sabado, October 24, at sa vault final sa Linggo, October 25, para humabol ng panibagong world title.

