News LightLatest News

LTFRB, nagbabala sa mga colorum na truck-for-hire na delivery service providers ng mga kilalang online platforms

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga colorum na truck-for-hire na delivery service providers ng mga kilalang online shopping platforms.

Newslight · · 1 min read

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga colorum na truck-for-hire na delivery service providers ng mga kilalang online shopping platforms.

Sa bisa ng subpoena mula sa ahensya, pinagsusumite nito ng listahan ng mga delivery partners ang mga online shopping platforms na Lazada, Zalora, Shopee, TikTok Shop, at SM Retail Incorporated.

Ito ay hakbang anila upang ma-trace ang mga colorum na truck-for-hire at malaman kung alin ang mga delivery trucks na lehitimo at colorum na namamasada sa lansangan.

Bukod umano sa delikado ang mga colorum na delivery trucks na puwedeng magamit sa krimen, hindi naman ito patas sa mga operators at drivers na sumusunod sa panuntunan ng LTFRB.

ADVERTISEMENT

Posibleng maharap sa patong-patong na multa na aabot sa 200,000 pesos at pagka-impound ng sasakyang ginagamit sa pag-deliver ang mga mahuhuling truck-for-hire na walang permit.

Nagsagawa na rin umano ang LTFRB ng imbestigasyon sa mga truck, van, at iba pang pribadong mga sasakyan na nagsasagawa ng ilegal na pagdedeliver mula sa mga online e-commerce marketplaces at shopping platforms. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?