PoliticsLatest News

Inaprubahang 2027 nat’l budget sa Kamara, hindi nakasentro sa tao — civil society org

Ani People’s Budget Coalition Co-Convenor AJ Montesa, politics-centered ang naturang budget at naghahanda na ang mga opisyal sa likod nito sa darating na eleksyon.

Newslight · · 1 min read

Hindi people-centered at nakakabahala ang inaprubahang P7.2 trillion na budget ng Kamara para sa susunod na taon, ayon sa isang civil society organization kahapon.

Ani People’s Budget Coalition Co-Convenor AJ Montesa, politics-centered ang naturang budget at naghahanda na ang mga opisyal sa likod nito sa darating na eleksyon.

Sinita ng koalisyon ang ilang mga insertions sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na pumapatak ng P179 billion; halagang para sa mga project na inilagay ng House at hindi ng DPWH mismo.

Kabilang dito ang pondong inilaan sa distrito ng mga mambabatas, kasama ang sampung beses na itinaas para sa District Engineering Office ng Ilocos Norte na pinamumunuan ni Rep. Sandro Marcos.

ADVERTISEMENT

Nabanggit rin ni Montesa ang 130 bilyong pisong tapyas sa budget ng foreign-assisted projects gaya ng North South Commuter Railway at Metro Manila Subway.

Bukod pa dito, nagiging anyo umano ng pork barrel ang insertions sa mga assistance programs na kailangan pang lumapit sa mga politiko upang mapakinabangan, gaya ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP). (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?