News LightLatest News

Illegal POGO, hindi pa rin nasusupil mag-iisang taon matapos ipatupad ang total ban nito

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, October 23, 2025 nang umarangkada ang total ban ng POGO, pero naging tuloy-tuloy pa rin ang operasyon nito.

Jomar Villanueva · · 2 min read

Sinabi ng dating opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na hindi pa rin tuluyang nasusupil ang illegal POGO sa bansa.

‘Yan ay kahit pa mag-iisang taon na mula nang isabatas ang total ban nito.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, October 23, 2025 nang umarangkada ang total ban ng POGO, pero naging tuloy-tuloy pa rin ang operasyon nito.

Ayon kay Casio, tinatayang libo-libong indibidwal ang sangkot sa patagong operasyon ng POGO sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

ADVERTISEMENT

Aniya, karamihan sa mga illegal POGO ay nag-o-operate sa mga condominium.

Ayon pa kay Casio, ang isyu ng illegal POGO ay hindi lamang tungkol sa sugal kundi sa human trafficking, scams, at national security concern.

Samantala, nakikipagtulungan na ang PNP sa mga lokal na pamahalaan para masupil ang illegal POGO.

ADVERTISEMENT

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., may gampanin din ang mga barangay officials at ibang lokal na awtoridad sa pagsugpo ng illegal POGO.

Noon lamang October 15, limang kababaihan ang inaresto matapos salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang isang illegal POGO hub sa Barangay Bel-Air, Makati City.

Bukod sa mga suspek, nadatnan din sa POGO hub ang 13 computer systems, 50 monitors, 29 mobile phones, mga betting cards, SIM cards, at iba pang paraphernalia.

ADVERTISEMENT

Haharap ang mga sangkot sa paglabag sa Republic Act 12312 o Anti-POGO Act of 2025.

What do you feel about this article?