News LightLatest News

Grupo ng mga komyuter, binatikos ang “overhaul” ng Public Transport Modernization Program

Tinulutan ng grupong Para Commuter’s Network ang malakihang overhaul na nais ng World Bank Group sa Public Transport Modernization Program at tinawag itong “anti-commuter.”

Newslight · · 1 min read

Tinulutan ng grupong Para Commuter’s Network ang malakihang overhaul na nais ng World Bank Group sa Public Transport Modernization Program at tinawag itong “anti-commuter.”

Batay kay Convenor Nonoy Rafael, prayoridad ng programa kung paano ibebenta ang mga Public Utility Vehicles (PUV) sa mga kumpanya at mga manufacturers, hindi ang kapakanan ng mga komyuter gaya ng ipinapaliwanag nito.

Sa ilalim kasi ng leasing model, hindi na magiging pag-aari pa ng mga operator ang mga PUV at rerentahan na lamang ang mga ito sa leasing company; magkakaroon din ng sistematikong pagbabasura sa mga lumang PUV.

Hindi na makokontrol pa ng mga manggagawa sa transport ang kikitain sa halaga ng pasahe, at mapupunta na lamang sa contractor authority na pasusuwelduhin ang mga transport workers.

ADVERTISEMENT

Nagdudusa na rin nga, aniya, ang mga komyuter sa palpak na PTMP dahil sa 190,000 na nawala sa buong bansa dulot ng jeepney phaseout kapalit ng 8,000 na modernong unit nitong Agosto—at nais pa ng World Bank na tanggalin ang natitira.

Nanawagan ang grupo na kailangan ng programang pang-transportasyon na nakaangkla sa pambansang industriya at pagsisilbi sa publiko, at hindi sa mga bangko’t negosyante. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?