Health & ScienceLatest News

Cadmium na natagpuan sa mga e-cigarette o vape, delikado sa kalusugan — DOH

Ayon sa kagawaran, ang cadmium ay isang toxic metal na maaaring makuha sa mga vape units at posibleng pag-ugatan ng pagkasira ng bato o kidney, pati ng mga buto, at…

Newslight · · 1 min read

Natagpuan ang elemento na cadmium sa mga e-cigarette o vape na lubhang delikado sa kalusugan, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa kagawaran, ang cadmium ay isang toxic metal na maaaring makuha sa mga vape units at posibleng pag-ugatan ng pagkasira ng bato o kidney, pati ng mga buto, at pagtaas ng sanhi ng cancer sa katawan.

Bukod dito, natuklasan din sa vape maging ang iba pang mga delikadong kemikal tulad ng diacetyl, benzene, at acrolein.

Pinapaalalahanan ng DOH na iwasan ang pagve-vape, partikular sa mga kabataan, bunsod ng banta nito sa kalusugan.

ADVERTISEMENT

Matatandaang hinikayat ng Philippine Tobacco Harm Reduction Advocates o PhilTHRA ang gobyerno na taasan ang excise tax sa mga vape products.

Habang hiwalay naman ang pagbubuwis sa mga e-liquids o mga vape juice na naglalaman ng salt-based o freebase na nicotine. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?