Balitang A2Z

VP Sara Duterte, naglunsad ng Madrasah Reading Corner Program sa Zamboanga City

Inilunsad ni Vice President Sara Duterte ang Madrasah Reading Corner Program ng Office of the Vice President (OVP) sa Zamboanga City. Unang benepisyaryo ang Mahad Dawa Al-Islamie, kung saan mahigit…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of Vice President Sara Duterte during the launch of the Madrasah Reading Corner Program in Zamboanga City

Inilunsad ni Vice President Sara Duterte ang Madrasah Reading Corner Program ng Office of the Vice President (OVP) sa Zamboanga City.

Unang benepisyaryo ang Mahad Dawa Al-Islamie, kung saan mahigit 400 mag-aaral ang inaasahang makikinabang.

Naglaan din ng mga mesa, upuan at mga estante, habang nagdagdag naman ang Embahada ng Qatar sa Maynila ng 126 na children’s books.

Hinikayat naman ang mga bata na magbasa araw-araw at unawain ang kanilang binabasa.

ADVERTISEMENT

Matatandaang naging kalihim si VP Sara ng Department of Education (DepEd) sa kabila ng mga isyu ng confidential funds at mga problemang patuloy na nireresolba sa sektor ng edukasyon.

What do you feel about this article?