Balitang A2Z

Sen. Bam Aquino, kinondena ang pangungutya ng mga podcast host kay Josh Aquino

Kinondena ni Senador Bam Aquino ang mapanlait na pahayag ng isang podcast host ng “Machong Chismisan” laban sa kaniyang pamangking si Josh Aquino. Giit ng senador, walang karapatan ang sinuman…

Billy Torres · · 1 min read

Photo of Senator Bam Aquino (right) and his nephew, Josh Aquino (left)

Kinondena ni Senador Bam Aquino ang mapanlait na pahayag ng isang podcast host ng “Machong Chismisan” laban sa kaniyang pamangking si Josh Aquino.

Giit ng senador, walang karapatan ang sinuman na maliitin ang taong may kapansanan.

“Ang totoong macho, hindi minamaliit yung mga taong may kapansanan. I think there are, there might be some legal things already being done, but si Josh, si Bimby, napakabait nila. They’re good, good Filipinos, they’re good kids, and walang karapatan ang sinumang tao na magmaliit sa mga taong may kapansanan. That’s very clear,” ani Aquino.

Habang nanawagan din siya ng suporta para sa lahat ng persons with disabilities.

ADVERTISEMENT

Matatandaang nasa autism spectrum si Josh, ang anak ng aktres na si Kris Aquino.

What do you feel about this article?