Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na sasapat ang tubig mula sa Angat Dam hanggang sa mga paunang bahagi ng susunod na taon.
Nagsusuplay ang dam sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., may nakahanda nang mga hakbang sakaling bumaba ang tubig sa dam dahil sa El Niño.
Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa National Irrigation Administration (NIA) para sa pangangailangan ng mga sakahan sa susunod na taon.
Ngayong Oktubre, binawasan ng NWRB ang alokasyon mula sa Angat Dam para sa Metro Manila.
ADVERTISEMENT
Pero nilinaw naman na hindi ito nangangahulugang mababawasan ang tubig sa mga kabahayan dahil may iba pang pagkukunan ang mga water concessionaire.
“From the regular allocation of 50-52 cubic meters per second, the adjustment was lowered to around 44-46 cubic meter per second. Pero hindi ibig sabihin nito, mababawasan yung supply sa mga kabahayan. The MWSS and private concessionaires may other source like the Laguna Lake, Upper Wawa, likewise the deep wells na pwede nilang gamitin,” ayon kay David.

