117 anyos na umano at masigla pa ring nagwawalis, nagdidilig, at nagpapakain ng manok si Qamile Marra ng Ferras, Albania.
Batay sa mga dokumentong hawak ng kanyang pamilya, isinilang siya noong August 19, 1909.
Naabutan na niya ang limang henerasyon ng kanyang pamilya.
Kung mapatutunayan, dalawang araw siyang mas matanda kay Ethel Caterham ng Britanya, ang kinikilalang pinakamatandang buhay na babae ngayon ng Guinness World Records.
Nakipag-ugnayan na sa Guinness ang pamilya ni Marra, pero hindi pa beripikado ang kanyang edad.
ADVERTISEMENT
Ayon sa LongeviQuest na nagsusuri ng ganitong mga rekord, kulang pa ang ebidensya at kailangan ng dokumento mula sa kanyang pagkabata.
Sa kabila nito, tuloy lang ang simpleng buhay ni Marra at ipinakita niya ang kanyang pagkakape, paglalakad sa hardin kasama ang anak at pamimitas ng prutas.

