Posibleng magkaroon ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo na sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.
Batay sa galawan ng presyo sa world market, posibleng magkaroon ng dagdag na P0.60 sa kada litro ng diesel.
P0.10 naman ang itataas sa kada litro ng kerosene, habang may tapyas namang P3.40 sa kada litro ng gasolina.
Ayon sa Department of Energy (DOE) at pagtataya ng mga oil industry source, lumuluwag ang suplay ng gasolina sa Asya, habang nananatiling mababa ang imbentaryo ng diesel sa buong mundo.
ADVERTISEMENT
Hindi pa pinal ang mga halaga at mag-aanunsyo ng opisyal ang mga kompanya ng langis hinggil sa adjustment sa Lunes, October 19.

