Balitang A2Z

Catriona Gray, dadalo bilang special guest sa Victoria’s Secret Fashion Show

Magpapasiklab sa Victoria’s Secret Fashion Show si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang special guest. Ibinahagi ni iconic Catriona sa kanyang Instagram Story ang kanyang inaasahang pagdalo sa event sa…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of Miss Universe 2018 Catriona Gray

Magpapasiklab sa Victoria’s Secret Fashion Show si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang special guest.

Ibinahagi ni iconic Catriona sa kanyang Instagram Story ang kanyang inaasahang pagdalo sa event sa Los Angeles, California, USA.

Nag-throwback din ang beauty queen ng kanyang Halloween look noong 2024 na hango sa Victoria’s Secret Angel. Tampok ang malalaking pakpak, pink bodysuit at blonde hair.

Nagpahayag naman ng suporta ang kapwa beauty queens na sina Chelsea Manalo, Krishnah Gravidez, CJ Opiaza, at Nicole Cordoves.

ADVERTISEMENT

Magtatanghal din sa fashion show ang KATSEYE, Megan Moroney, Megan Thee Stallion, at Tate McRae.

Mapapanood ang live show sa October 19, 7:30 AM, oras sa Pilipinas, sa opisyal na YouTube, TikTok, at Instagram accounts ng Victoria’s Secret.

What do you feel about this article?