Balitang A2Z

45-foot Christmas tree, pinailawan sa mall sa Mandaluyong bilang pagsisimula ng Christmas season

70 days na lang, Pasko na! Kaya naman ang isang leading mall sa Mandaluyong, pinailawan na ang kanilang 45-foot-tall Christmas tree. Nagmistulang higanteng chessboard ang Christmas decoration sa temang “The…

Nayomi Almojano · · 1 min read

Photo of a 45-foot Christmas tree lit at a mall in Mandaluyong City

70 days na lang, Pasko na! Kaya naman ang isang leading mall sa Mandaluyong, pinailawan na ang kanilang 45-foot-tall Christmas tree.

Nagmistulang higanteng chessboard ang Christmas decoration sa temang “The Royal Court of Christmas.”

At kaiba sa ibang Christmas tree unveiling na countdown, isang musical play na pinagbidahan nina Repertory Philippines actors Emilia Fuglister, Markki Stroem, at Kayla Rivera ang nag-ilaw sa higanteng Christmas tree.

Binigyang-kulay at musika rin ng Manila Philharmonic Orchestra ang musical play at unveiling sa saliw ng mga Christmas song na ating kinalakihan.

ADVERTISEMENT

Mensahe ng pagbibigayan, pangarap at kamusmusan ang hatid ng original musical play at Christmas decoration na binabalot ng pula, puti at gold colors.

Present din si Santa Claus para sa picture-picture, para mas ramdam ang pagsisimula ng holiday season sa bansa na kilalang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa buong mundo.

What do you feel about this article?