Mas mabilis na padala at dagdag na trabaho ang inaasahan sa bagong United Parcel Service (UPS) international air hub sa Clark, Pampanga.
Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbubukas ng pasilidad nitong Huwebes, October 15.
Tinatayang 80 milyong dolyar o halos P4.8 billion ang ipinuhunan sa hub na kayang magproseso ng hanggang 15,000 package kada oras.
Giit ng Pangulo, mahalaga ang mabilis at maayos na paghahatid ng mga produkto sa isang arkipelagong tulad ng Pilipinas.
May automated sorting system at mga espasyong kontrolado ang temperatura ang pasilidad.
May teknolohiya rin ito para mabantayan ang mahahalagang padala, lalo na para sa healthcare, high-tech, at manufacturing industries.
ADVERTISEMENT
Inaasahang hahawak ang hub ng mga kargamentong papunta at galing sa Asia-Pacific, India, Europe, at United States.
Habang may nakatalagang immigration at customs lanes din para mapabilis ang proseso.
Inaasahang magbubukas ang pasilidad ng mas maraming oportunidad sa trabaho at negosyo sa labas ng Metro Manila.

