Muling humiling si Senador Loren Legarda na palawigin ang kaniyang medical leave sa abroad.
Kinumpirma ito ni Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Naka-leave si Legarda mula August 3 at hindi nakadadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kasabay nito, iniimbestigahan ng Ombudsman sina Legarda, anak niyang si Batangas Congressman Leandro Leviste, at dating Energy Secretary Alfonso Cusi para sa posibleng plunder at graft kaugnay ng mga solar project.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, ginamit umano ni Legarda ang kaniyang puwesto para makakuha ang anak ng eksklusibong solar power franchises.
ADVERTISEMENT
Iniugnay ni Remulla ang mga ito sa bilyun-bilyong pisong pagkalugi sa umano’y ghost electricity.
Itinanggi naman ng tagapagsalita ni Legarda na si Tony La Viña na tinatakasan ng senador ang mga akusasyon.

