Inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang nangungunang pinakamahalagang isyu na dapat tugunan ng pamahalaan.
Sa survey ng Pulse Asia, 71% ng mga Pinoy ang nagsabing inflation ang numero uno na dapat tugunan ng administrasyon.
Sinundan ito ng pagtugon sa korapsyon sa gobyerno at pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa.
Habang pumang-apat at panlima naman sa top issues ng mga Pinoy ang paglaban sa kriminalidad at pagtugon sa kahirapan.

