Ipinagdiwang at kinilala ngayong buwan ang karapatan, kapasidad, at galing ng mga babaeng kabataan sa buong mundo.
Ngayong taon, sumentro sa temang “End Child Marriage and Invest in Girls’ Rights” ang selebrasyon, kung saan patuloy na isinusulong ang pagkilala sa potensyal ng mga batang babae sa anumang larangan.
Ayon sa United Nations, nasa mahigit 12 million na batang babae ang biktima ng child marriage o isang batang babae sa kada tatlong segundo sa buong mundo.
“Madami nang risk ngayon for our young girls. One very important one is dapat bigyan sila access sa education because paano sila ma-unlock lahat ng talent, skills, and capabilities if hindi sila maging made aware. We have to first address the primary basic needs before we address the dream gap,” ayon kay Grow School Philippines Founder and Executive Director Robyn Mijares.
ADVERTISEMENT
Sa pagdiriwang sa SM North EDSA Sky Dome, nagbahagi ng kanilang pangarap at hiling ang nasa 800 batang babae.
Layon ng pagdiriwang na ito na tiyaking mayroong pagkakataon ang mga batang babae na makilala pa ang kanilang sarili, hubugin ang kanilang kinabukasan at maiparinig ang kanilang boses.

